I'm feeling it..
Malapit na mangyari ang isang bagay na kinatatakutan ko mangyari..
Nasesense ko na..Malapit ng matapos..
Nung marinig ko bigla akong namanhid..
Parang nagkaroon ng hole sa puso ko..parang may bumara na hindi ko maintindihan..
Gusto ko sumigaw..Gusto ko magwala..Gusto ko magpakalango..
Buti na lang iba na mundo ko ngayon, dahil kung nasa elbi pa din ako,ginawa ko na to lahat..
Bakit masakit? Bakit?
Pero kahit masakit hindi tumutulo ang luha ko..
Parang umiiyak ako sa loob..
Sa gitna ng pagkaiyak ko ng walang luha biglang may naimagine ako na scene..
Napangiti ako..
Buong araw ako na nagmuni-muni, nagisip isip..
Narealize ko na hindi nga siguro kita mahal..
Narealize ko na parang hindi ako magiging masaya sayo..na hindi talaga tayo para sa isa't isa..
Masaya ako na naisip ko 'to, dahil parang madali na para sa akin na mabuhay araw-araw na wala ka..
Biglang hindi na masakit..wala ng nakabara..
Sorry..
Lalayo ako..Iiwas..
Sana maramdaman mo pero sana 'wag ka ng magtanong..
Sana maintindihan mo na kelangan ko at kelangan mo rin..
May parte na malungkot, syempre, hindi ko yun ipagkakaila..
Pero may mas malaking parte na masaya..
Masaya ako para sayo..Sana maging successful ka..
Masaya ako para sa akin kasi nakahanap ako ng bagong inspirasyon..
Aantayin ko ang muli nating pagkikita na pareho na tayong okay at masaya sa kanya-kanya nating buhay..
Inaantay ko na lang ngayon kung kelan ko makikilala ang Edward ko..
No comments:
Post a Comment